Nagalit si presiding Judge Ricardo Rosario matapos malaman sa mga pahayagan na umalis noong Huwebes ng gabi ang anim kataong miyembro ng RP squad para lumahok sa World Chess Olympiad sa Istanbul, Turkey nang hindi ipinagbibigay-alam sa korte.
Dalawa sa limang umalis ay sina Grandmasters Rogelio Antonio Jr., at Buenaventura Villamayor na dumalo sa unang hearing sa pagitan ng nag-aaway na NCFP at ng Philippine Chess Federation noong Miyerkules kasama sina GM Eugenio Torre at NCFP legal counsels Sammy Estimo at Quirino Sagario.
Ang tatlong iba pa na lilipad patungong Istanbul ay sina International Masters Barlo Nadera at Ronald Bancod at National Master Ildefonso Datu.
"The move to leave the country without informing me does not sit well with the court because they knew in the first place of existing court proceeding," ani pa ni Rosario. " While the court can not prevent them from performing an act without a valid TRO (Temporary Restraining Order), if only to show respect in deference to the fact that the petition has already been filed and the court have taken congnizance, the respondents should have at least informed us of their plans," dagdag pa ni Rosario.
"Although these players have left, they are still liable and accountable for what they did should the TRO be issued."
Kinondena rin ni Rosario ang Philippine Sports Commission sa kanilang pagpapalabas ng financial assistance sa NCFP na nagkakahalaga ng P700,000 sa kabila ng inihaing petisyon ng PCF para sa TRO.
" There is knowledge that the course of action here is not to release the money," wika pa ni Rosario." It appears that the lawyer of the PSC, whose responsibility is to provide legal advise, has been remiss on discharging with his or her duties as counsel of the PSC."
Sa kabila nito, ipinaliwanag naman ni Estimo na ang dahilan ng pag-alis ng kanyang mga kliyente ay upang maiwasan ang "mental anguish" na nagsasabing na ang kanyang mga kliyente ay hindi makapaglalaro sa Olympiad kung sakaling ito ang sabihin ng korte.
"How can these players be the representatives of the country whose very laws they have no respect," pahayag ni Bautista." They may not be violating the letter of the law, but their act is disregard of the spirit of the law."
Naghain ng petisyon ang PCF sa pangunguna ni Jesus Ungeniero na humihingi na pigilin ang PSC sa kanilang pagpapalabas ng pinansiyal na tulong sa NCFP at pigilan ang break-away group na lumahok sa Olympiad. (Ulat ni Joey Villar)