^

PSN Palaro

Pamosong Shin Dong Pa ng Korea nasa bansa

-
Nasa bansa ngayon si Shin Dong Pa, ang matikas na manlalaro ng South Korea na minahal at kinainisan ng mga mahabang taon ng mga Filipinos--pero hindi para maglaro sa kanyang koponan na mabigat na kalaban sa Philippine basketball.

Nandito si Shin, ang pinakamalaking tinik sa kampanya ng Filipinos sa korona ng ABC noong huling bahagi ng 60’s hanggang ’70’s upang ibahagi ang kanyang abilidad sa mga miyembro ng RP youth squads kung saan siya ay magdaraos ng dalawang oras na clinic sa Rizal Memorial Coliseum.

Sa katunayan, ito ang ikalimang pagbisita ni Shin sa Manila, ang 56-anyos na scoring machines na maaalala nang kanyang pangunahan ang Koreans sa 1969 ABC championship na ginanap sa Bangkok, Thailand.

At sa kanyang laban kontra sa Philippines, umiskor si Shin ng 48 puntos sa 95-86 panalo kontra sa koponan na pinamunuan naman nina Danny Florencio, Robert Jaworski, Jimmy Mariano at Freddie Webb kasama si Lauro Mumar bilang head coach.

Tanging sa 1973 ABC final na ginanap sa Manila nakabawi ang Filipinos sa koponan ni Shin kung saan naging matagumpay ang pagdepensa sa kanya ng yumaong si Tembong Melencio at naitakas ng Pinoy five ang 90-78 panalo.

"Filipinos love basketball so much that’s why I consider this my second home," ani Shin sa pamamagitan ng isang interpreter." I just want to find out how I can help improve the quality of Philippine basketball."

Isa sa kinukunsidera ni Shin na mahusay na manlalaro ng bansa ay si Florencio.

"Filipinos player have the skills but they don’t cooperate with each other," anya." And I can’t find players today with skills like Jaworski, Florencio, (Ramon) Fernandez and (Bogs) Adornado. Your players now focus on individual target and their popularity. You can’t win with five Michael Jordan’s in your team. You only need one Michael Jordan,a d a Rodman, then a Pippen."

Matinik si Shin mul asa free throw lane at minsan na itong gumawa ng 99-of-100 shots sa isang practice na sumablay lamang ng isang beses sa kanyang 88 na pagtatangka.

Tatalakayin ni Shin sa kan-yang clinic ang mga basic ng mahusay na shooting, simula sa stance, sa spin at sa arch habang ang bola ay patungo sa hoop.

" To be a good shooter, you must also learn how to shoot with your left foot out if you’re good, the other teams knows that. You mst find other ways to score," dagdag pa ni Shin.

vuukle comment

DANNY FLORENCIO

FLORENCIO

FREDDIE WEBB

JIMMY MARIANO

LAURO MUMAR

MICHAEL JORDAN

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

ROBERT JAWORSKI

SHIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with