Umahon ang Bataan na nasa gipit na ng kabiguan sa pamamagitan ng panalo ni GM Joey Antonio sa top board nang kanilang igupo ang Tabilog Cargo Services sa 2.5-1.5, habang nagposte rin ng parehong panalo ang defending champion Muntinlupa kontra sa NDT- A mula sa panalo naman ni NM Idelfonso Datu at IM Nelson Mariano II sa top two boards.
Ngunit mas pumukaw ng pansin ang Cubao Knights na nagtala ng 3-1 upset na panalo kontra sa higher-ranked NDT "B" mula sa tikas nina NMs Roberto Suelo Jr., at Romeo Aleodia kontra NMs Joseph Sanchez at Rodolfo Panopio.
Kasama ng tatlo sa liderato na may tig-isang puntos na bentahe sa nasabing nine-round Swiss System event na ito na suportado ng Coca Cola, Mister Donut Green-hills 24-hour branch, Lemon Square, Salonship Aquaparch, Nova Chips, Glutaphos at Jacobs Crackers ang syam na iba pa sa pamumuno ng Department of Trade and Industry.