Nagtala si Suarez, isang first-timer sa prestihiyosong individual tourney na ito ng averaged na 211.8 para tumapos ng ika-23rd place.
Patuloy na hinahawakan ni Tore Torgersen ng Norway ang liderato sa kanyang 5563 pins makaraang agawin ang pamumuno noong Martes sa tulong ng kanyang perpektong laro. Binuksan ng Norwegian ang 106-pin na kalamangan kontra Steve Thomton ng England na may 5457.
Pumangatlo si Guy Caminsky ng South Africa na may 5364, sumunod sina Thomas Leanders-son (5362), Kimmo Lehtonen ng Finland (5343), Andres Gomez ng Colombia (5337), Chris Van Damme ng Belgium (5335), Ahmed Shaheen ng Qatar (5311), Domenico Righi ng San Marino (5286) at Mohammed Al-Qubaisi ng UAE (5268).
Muling nakatakdang lumaro ang 24 na nakaligtas sa second round ng panibagong 16 games upang madetermina ang top eight na siyang uusad naman sa quarterfinals. Nakatakda ring lumaro ang 24 lady bowlers na kinabibilangan ng isa pang entry ng bansa na si Arianne Cerdeña sa 24 games .