Tuloy na ang RP Chess Team sa Olympiad
October 20, 2000 | 12:00am
Hindi na mapipigil ang paglipad ng 6-man at 4-woman national chess team na pinamumunuan ni Grand Master Eugene Torre patungo sa Istanbul, Turkey para lumahok sa 35th Chess Olympiad na magsisimula sa Oktubre 27.
Ito ay matapos na katigan ng hukuman na malaya na ang mga ito na makalabas sa bansa anumang oras.
Sina Torre at ang miyembro ng RP chess olympiad, na miyembro ng bagong tatag na National Chess Federation of the Philippines ay sinampahan ng kasong civil sa sala ni Makati City Regional Trial Court Branch 66, Judge Ricardo Rosario ng Philippine Chess Federation.
Pinigil ng PCF ang grupo sa kanilang paglahok sa Istanbul Chess Olympiad.
Ang NCFP na pinamumunuan ni Torre ang kinikilalang orgnisas-yon ng Internationale Chess Federation bilang natatanging organisasyon .
Kinatigan ni Rosario sina Torre at sinabing malayang makalalabas ito ng bansa anumang oras dahil ang kasong isinampa laban sa Grand Master ay sibil lamang at hindi kriminal kaya walang karapatan ang hukuman na pigilan ang mga ito sa kanilang pag-alis.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended