Pharma Quick nagpipilit sa PBL
October 19, 2000 | 12:00am
Maaari bang baligtarin ang isang rules para lamang pumabor sa isang social responsibility?
Nahaharap sa panibagong mahigpit na desisyon si PBL Commissioner Chino Trinidad kung kanyang babaligtarin ang ipinalabas na kautusang eight-format lamang upang magbigay daan sa aplikasyon ng Pharma Quick bilang ikasiyam na miyembro ng Philippine Basketball League.
Ang Pharma Quick, na pag-aari ni Sandy Javier ang siyang bagong friendly neighborhood convinience drugstore sa mga bayan upang makapagbigay ng 24-oras na serbisyo araw-araw.
"Its the social dimension of this company that makes Pharma Quicks application hard to refuse. It would be the first of its kind in the league and the PBL recognizes the social responsibility of promoting a people service company like Pharma Quick," paliwanag ni Trinidad.
"But the question is, should the league break rules in favor of this social responsibility? Seeing the companys social dimension, I would strongly consider this an exception to the rule. The final decision, however, is in the hands of the PBL board," dagdag pa niya.
Ang aplikasyon ng Pharma Quick ang magiging ikatlong probationary member, kung ito ay tatanggapin o hindi, ito ang pagtutuunan ng pansin nga-yong tanghali sa gaganaping PBL Board emergency meeting.
Sinabi ni Trinidad sa kanilang paunang pag-uusap, nakahanda na ang Pharma Quick ng mga kinakailangang requirements para sa franchise, operational at administrative expenses at television coverages fees.
Kung sakaling matatanggap ang Pharma Quick, sila ay kailangang lumaro ng tatlong sunod na conference para sa evaluation bago sila ganap na mabigyan ng regular status.
Samantala, nakatakdang ipormalisa ng Philippine Youth Basketball League (PYBL) sa darating na Biyernes ang bilang ng kanilang koponan sa gaganaping pulong sa PBL Office sa Makati Coliseum.
Ito ang inihayag ni PBL Chief Operating Officer Perry Martinez na nanawagan din sa mga interesadong sumali na ipormalisa ang kanilang intensiyon para sa aplikasyon ng PBL division II.
Magbibigay daan ang PBL regular conference para sa opening ng PYBL sa Nobyembre 11 na ipapalabas ng live ng I-Sports sa PTV-4.
"This is the last chance for interested companies to formalize their intentions so we could finalize the format of the said tournament. We are looking forward to having 10-12 teams but right now, we are still studying the application of other companies," dagdag pa ni Martinez.
Ang bagong saling koponan ay ang NCAA champion College of St. Benilde at UAAP finalist Far Eastern University.
Pinag-uusapan pa ng St. Benilde kung sino ang kanilang dadalhing corporate sponsor habang dadalhin naman ng Tamaraws ang pangalan ng Mr. Wash.
Kabilang sa mga natanggap na koponan ay ang Tac Padillas Spring Cooking Oil, Manuel Luis Quezon University (MLQU), Guagua National Colleges, Assumption Colleges of Pampanga, Gringo Express at Las Piñas College.
Sinabi pa ni Martinez na mayroon pang walong koponan na naka-pending para sa PYBL ang mga ilang aplikante ay gaya ng UAAP at NCAA teams na hindi pa nagkukumpirma ng kanilang aplikasyon sa dahilang ang kanilang mga star players ay nakakontrata na sa regular PBL conference.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am