^

PSN Palaro

Cerdeña, 15th place sa Bowling World Cup

-
LISBON -- Nagpagulong si Arianne Cerdeña, Seoul Olympic gold medalist ng 16-game total na 3226 pinfalls noong Lunes upang tumapos ng ika-15th sa Bowling World Cup International finals dito.

Ang iba pang lahok ng bansa ay sina C.J. Suarez na nagrolyo naman ng eight-game series na 1753 pinfalls para tumapos ng 13th place makaraan ang unang tatlong round ng 24-game eliminations.

Pawang mga national champions mula sa 88 bansa ang maglalaban-laban sa pinakaprestihiyosng individual amateur bowlfest na ito.

Kumana si Cerdeña ng 1648 upang tumapos ng ika-11th makaraan ang eight games. Muling lalaro ang lady bowlers ng panibagong eight game sa Martes na ang top 24 ang siyang uusad sa susunod na round.

Kinumpleto ng 67-woman field ang unang 16 games kung saan bumandera si Ann Maree Putney ng Australia, ang 1999 World Masters champion sa kanyang 3494 pins para sa 218.4 average.

Kanyang sinimulan ang aksiyon sa kanyang kina-nang 280 games, ikalawang pinakamataas para sa women’s division sa ngayon.

Pumangalawa si Malaysian Shalin Zulkifi na may 3459 pins at 216.2 average, sumunod si Colombian Clara Juliana Guerrero na may 3435 pins at 214.7 average.

Tangka ni Putney na maging ikatlong babae na kumopo ng World Cup champion mula sa Australia at ikaapat sa ikalimang taon.

ANN MAREE PUTNEY

ARIANNE CERDE

BOWLING WORLD CUP INTERNATIONAL

COLOMBIAN CLARA JULIANA GUERRERO

MALAYSIAN SHALIN ZULKIFI

SEOUL OLYMPIC

WORLD CUP

WORLD MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with