Cebu vs Manila sa National Finals rematch ng MBA
October 18, 2000 | 12:00am
Sisimulan ng Cebu at Manila ang kanilang unang hakbang tungo sa posibleng National Finals rematch sa pagsisimula ng kani-kanilang kampanya sa MBA Conference semifinals ngayon.
Hangad ng Gems na mapalawig pa ang kanilang 13-game winning streak at ang isang slot sa Southern Conference Finals sa kanilang nakatakdang engkuwentro ng Iloilo Megavoltz sa alas-6:30 ng gabi sa Game One ng kanilang best-of-three series sa Cebu City Coliseum.
Sa kabila ng sinalanta ng injury, optimistiko pa rin ang Manila, ang kasalukuyang National champions na sumibak sa Gems, 4-2 noong nakaraang seasons National title series sa kanilang pakikipaglaban kontra Pasig-Rizal Pirates sa alas-4 ng hapon sa Pasig Sports Center.
Kung sakali mang manaig ang Cebu at Manila sa kanilang mga kalaban, ang dalawa ang siyang uusad sa Southern at Northern Conference Finals na maghahatid sa kanila para sa Conference Finals sa best-of-seven series.
Upang masiguro ng Manila ang kanilang tagumpay, kanilang paglalaruin na si Rommel Adducul na kasalukuyan pang nagpapagaling sa kanyang injury sa bukungbukong at paa.
Isa sa magiging sakit ng ulo ng Manila ay ang tambalang Dorian Peña at Bong Alvarez na silang namuno para sa 6-game winning run ng Pasig.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended