^

PSN Palaro

Ikaapat na panalo sa PBA Governors Cup target ng Red Bull

-
Maraming hindi makapaniwala lalong-lalo na si coach Yeng Guiao sa kasalukuyang katayuan ng kanyang Batang Red Bull team sa eliminations ng PBA season ending Governors Cup.

Ang Red Bull Thunder ang nangunguna ngayon sa eliminations ng ikatlong kumperensiyang ito dahil sa kanilang taglay na pinakamalinis na record na 3-0 win-loss slate.

"Pakikalabit nga ako," pahayag ni Guiao. "Kung nananaginip ako, ayaw ko nang magising," pagbibiro nito.

Dapat na ngang magising si Guiao dahil sa araw na ito ay itataya nila ang kanilang malinis na record sa nakatakdang pakikipagharap sa Mobiline Phone Pals sa main game sa Yñares Center sa Antipolo City.

Ikaapat na sunod na panalo ang pagpupursigihang makuha ng Red Bull sa kanilang alas-7:30 ng gabing pakikipagsagupa sa Phone Pals sa ikalawang laro.

Di nakakalayo ang Mobi-line na may 2-1 panalo-talo tulad ng pahinga ngayong Sta. Lucia Realty at Purefoods TJ Hotdogs kasunod ang Alaska Aces, Tanduay Gold Rhum at Pop Cola Panthers na pare-parehong may 2-2 kartada.

Ang tagumpay ng Realtors at ng Purefods na nakatakda namang humarap sa Barangay Ginebra ang magbibigay sa kanila ng karapatang saluhan sa pangkalahatang pamumuno ang Red Bull.

Makakasagupa ng TJ Hotdogs ang Gin Kings sa pambungad na laban sa eksaktong alas-5:15 ng hapon bilang pampa-gana.

Muling sasandalan ng Red Bull ang kanilang import na si Rey Tutt na susuportahan naman ng kanilang Fil-foreign players na sina Davonn Harp at Mike Pennisi bukod pa kina Jimwell Torion, Lordy Tugade, Ato Agustin at iba pa.

Ikatlong sunod na panalo naman ang target ng Phone Pals.

Muling ipaparada ng Ginebra ang kanilang bagong import na si Bryan Green na pumalit kay Roy Hammonds na nagpamalas ng impresibong laro sa nakaraang laban ng Kings ngunit nabigo kontra sa Red Bull, 86-91.

Ang Ginebra ay wala pang panalo sa tatlong laro sanhi ng kanilang pangungulelat sa likod ng defending champion San Miguel Beer at Shell Velocity na may 1-2 at 1-3 win-loss record, ayon sa pagkakasunod.

ALASKA ACES

ANG GINEBRA

ANG RED BULL THUNDER

ANTIPOLO CITY

ATO AGUSTIN

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

PHONE PALS

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with