^

PSN Palaro

Pinoy javelin thrower sasabak sa F-57 category

-
SYDNEY-Umaasa ang javelin thrower na si Andres Lubin na magiging maganda ang kanyang performance sa kabila ng kanyang paglahok sa isa pang panibagong kategorya sa 2000 Paralympics Games dito.

Sasabak si Lubin sa F-57 category sa halip na sa F-54 makaraan masuri noong Linggo ng Games Medical Committe na ang kanyang kaliwang paa ay kasalukuyang pang gumagana maging ang kanyang abdominal muscle.

"After the classification, na-disqualify si Lubin sa F-54 dahil dapat parehong hindi nagagamit ang dalawang binti niya," wika ni St. Francis of Assisi PE director Romeo Sotto na siyang humahawak sa tatlong buwang training ni Lubin.

" Mahihirapan siya sa nangyari dahil mas mataas ang competition level sa bago niyang category. Sayang, pero wala tayong magagawa, we have to follow the doctor’s advice," dagdag pa ni Sotto na dating national decathlete.

Ang tubong Baguio City na si Lubin ay silver medalist sa Malaysia Paralympiad nitong kaagahan ng taong kasalukuyan at sa Bangkok FERSPTC Games noong nakaraang taon at nananatili itong optimistiko.

"Hindi namin inaasahan ang nangyari. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, lalaban ako nang husto," pahayag naman ng 29-anyos na si Lubin, isang data encoder sa Philippine Savings Bank head office.

Isasabak naman sa aksiyon ni coach Nestor Fajota III ang powerlifter na si Adeline Dumapong sa 82kg.

ADELINE DUMAPONG

ANDRES LUBIN

BAGUIO CITY

GAMES MEDICAL COMMITTE

LUBIN

MALAYSIA PARALYMPIAD

NESTOR FAJOTA

PARALYMPICS GAMES

PHILIPPINE SAVINGS BANK

ROMEO SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with