Negros nalo sa Davao

Hiniya ng Negros Slashers ang Davao Eagles sa sarili nilang balwarte nang kanilang igupo ito sa 96-90 sa isang napakahalagang laro sa semifinals ng Southern Conference kahapon sa RMC Gym na ginanap sa Davao City.

Nagpamalas ng intensibong laro ang tambalang Fil-Am na si Cid White at Maui Huelar upang punan ang binakanteng puwesto nina John Ferriols at John Cardel sa huling maiinit na segundo ng laban upang ilapit ang Slashers sa kanilang kauna-unahang pagtapak sa Southern Conference Finals.

Kailangan na lamang ng Negros na maipanalo ang kanilang laro sa Sabado sa Bacolod para maokupahan ang isang slots ng Conference Finals.

Kasalukuyan namang pinaglalabanan ng Cebu at Iloilo ang isa pang puwesto sa Southern Conference Finals, habang sa North ay nagbabakbakan naman ang kasalukuyang National champion Manila Metrostars, kasama ang Pasig-Rizal, Laguna at San Juan.

Ang dalawang koponan na magwawagi sa kani-kanilang division ang siyang magsasagupa naman para sa titulo ng Nationals sa best-of-seven series.

Show comments