^

PSN Palaro

Milo Naga-leg dinomina nina Buen, Sayrol

-
NAGA, Camarines Sur--nakipagtagisan ng lakas ang tubong Sorsogon at Armyman na si Arly Buen sa kanyang pinsan at kababayang si Henry Janer sa isang one-on-one na labanan sa huling dalawang kilometro, bago ibinuhos ang kanyang buong lakas sa huling 500 metro ng karera upang mag-isang makarating sa finish line ng Milo Marathon regional 10K race na ginanap dito kahapon.

Ipinoste ng 22-anyos na si Buen, nagwagi rin sa 5K regional run noong nakaraang taon ang kanyang ikalawang panalo sa road race ngayong taon matapos na manguna sa 10K run na idinaos naman sa Biñan nong buwan ng Hunyo.

"Maganda ang ruta dito, maganda rin ang panahon at pukpukan kami ni Henry hanggang sa huli, walang bigayan. Target kasi namin, dapat amin ang first two places," wika ni Buen na nagtala ng tiyempong 34:35 at nagbulsa ng P5,000 at slot sa 42K Milo Marathon Finals sa Manila na gaganapin naman sa Disyembre.

"Sa start pa lang magka-sama na kami, sa last 2K na lang nakadikit yung third placer, ginawa namin, binatak namin, step-up ng pace para hindi na siya makahabol," pahayag naman ni Janer na dumating sa finish line na may oras na 34:45 at nag-uwi rin ng P3,000 premyo.

Ang ikatlo at huling qualifying slot ay napasakamay ni Eugenio Postrado matapos na madiskuwalipika si Leodegracio Raterta bunga ng non-residency sa nasabing rehiyon matapos na magposte ng 35:20 tiyempo at nagbulsa rin ng P2,000 cash prize.

Sa kababaihan, ipinakita ni Enate Sayrol ang kanyang tikas nang kanyang dominahin ang apat kataong lead pack sa unang 2K mark at hindi na nilingon pa ang kanyang mga kalaban patungong finish line sa tiyempong 45:29.

Samantala, gaganapin naman ang isa pang regional race sa Cagayan de Oro sa Oct. 29.

ARLY BUEN

ARMYMAN

BUEN

CAMARINES SUR

ENATE SAYROL

EUGENIO POSTRADO

HENRY JANER

LEODEGRACIO RATERTA

MILO MARATHON

MILO MARATHON FINALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with