Si Gueco, ang una at natatanging PGFF Hall of Fame awardee na nagwagi ng tatlong AOYs sa loob ng 10 taong fishing ay nanguna kay Bert Lingayo sa lahat ng kategorya--light, heavy at overall scores.
Pumangalawa naman si tournament director William King na sinundan ni Willie Yap para sa ikatlong posisyon habang ang kakampi at co-sponsor na si ATI head Boy Co ay nakahuli ng limang non-qualifying catch below 3 kg. bawat isa.
Nakuha naman nina Benedict Lim at Gueco ang overall team championships.