Umarangkada agad ang Shell sa simula ng labanan at hindi nila hina-yaang magtagumpay ang paghahabol ng Alaska tungo sa kanilang unang panalo.
Umangat ang Turbo Chargers na nagpaulan ng tres sa first quarter sa 1-2 record upang makatabla ang kanilang bikti-mang Aces.
Matapos isara ang first half na taglay ang 45-17 kalamangan, wala nang nagawa ang Alaska kundi makalapit ng hanggang pitong puntos lamang.
Patungong huling 3:13 oras ng labanan, nagkaroon ng pag-asa ang Aces matapos makalapit sa 71-78 ngunit sinimulan ni import John Morton ang 13-6 produksiyon upang tuluyang iselyo ang tagumpay ng Turbo Chargers.
Humataw sa triple area ang Shell sa unang quarter sa pangunguna nina Jun Marzan at Antonio dela Cruz na may tig-dalawa sa 6-of-7 three point shooting ng Turbo Chargers.
Matapos buksan ng Alaska ang laro sa 6-2 bentahe, isang umaatikabong 26-5 atake ang pinakawalan ng Shell upang isara ang first quarter na taglay ang 28-11 kalamangan.
Lumobo sa 22-puntos ang agwat ng Turbo Chargers, 43-21 sa ikala-wang quarter matapos pamunuan ni Marzan ang koponan sa paghakot ng 11-puntos kabilang ang tatlong tres matapos ang dalawang quarters upang lukuban ang kahinaan ni Morton na may 6-puntos lamang sa first half.
Sinikap namang iahon ni import Sean Chambers ang Alaska nang umiskor ito ng 10-puntos sa second quarter at pangunahan ang 13-2 run upang bahagyang makalapit ang Aces sa 34-45 pagsapit ng halftime.
Habang sinusulat ang artikulong ito, kasalukuyang naglalaban ang Pop Cola at Purefoods .(Ulat ni Carmela Ochoa)