PBL magpapalit ng format

At dahil na rin sa mahigpit na rivalries ng mga produkto, magpapalit ng format ang Philippine Basketball League para sa kanilang second conference na nakatakdang magsimula sa Nov. 4.

Bunga ng pagpasok ng Pioneer Insurance na tataguyod sa pag-lahok ng Ateneo sa PBL, ang kanilang karibal na kumpanyang Prudential Guarantee ay kumakatok na rin sa pintuan ng liga upang dalhin naman ang NCAA finalist San Sebastian College.

Ito ang inihayag ni PBL Chairman Dioceldo Sy makaraang maki-pagpulong sa Prudential Guarantee senior vice-president Miguel Coyiuto at Wency Ong kamakailan.

Sina Coyiuto at Ong ay kapwa matalik na kaibigan ni coach Turo Valenzona na siyang magdadala sa posibleng pag-akyat ng San Sebastian sa liga.

Ang nasabing bagay ay nakatakdang talakayin ngayon sa gaganaping PBL board meeting at inamin ni Sy na ang alok ng Prudential Guarantee ay lubhang napakahirap tanggihan.

Ito ay isang malaking atraksiyon sa mga manonood ng PBL na posibleng ang nakalaang premyo ay umabot sa P275,000 sa pagta-tapos ng kumperensiya. Gayunman, ito ay nasa desisyon na ng board kung nais nilang magdagdag pa ng koponan na mula sa 8, 9 o kaya’y 10 sa nalalapit na kumperensiya.

Sa ngayon ang walong koponan na nakakasiguro na ng kanilang pagsabak sa ikalawang kumperensiya ay ang defending champion Welcoat Paints, Baguio champion Blu Detergent, Shark Energy Drink, Dazz Dishwashing Paste, Montana Jewelers, La Salle-Osaka Health Products, Ana Freezers at Ateneo-Pioneer Insurance.

Show comments