Bernardino lalahok sa Grand Asian Chess Tourney
October 10, 2000 | 12:00am
Nakatakdang sumabak sa aksiyon si Rizal Technological University (RTU) at dating University of Manila (UM) junior chess standout Almario Marlon Q. Bernardino Jr., ng Quezon City sa prestihiyosong Grand Asia Chess Challenge V (GACC V) International Open Chess tournament na gaganapin sa University of Malaysia sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Oct. 14.
Nakopo ni Bernardino ang kanyang US master title noong 1997 National Chess Congress sa Philadelphia at Filipino national master title noong 1998 RP elims para sa Asian Zonal na ginanap sa SSS canteen sa Quezon City.
Naging miyembro rin siya ng RTU Manda-luyong chess team na nanalo sa State Colleges Universities Athletic Association ng titulo sa pitong sunod na pagkakataon. Dinomina rin ng RTU ang 1996-97 NCR Glutaphos Inter-collegiate team championship at ang 1999-2000 McDonalds NCRAA chessfest.
Ang biyaheng ito ni Bernardino ay gagastusan ni SSS Executive VP Horacio Horace Templo at ng Paterbo Builders Corporation at Consortium Management & Research Center president Eduardo Boying Paterno.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended