^

PSN Palaro

St. Benilde naibulsa ang Game One sa NCAA championship series

-
Inilapit ng St. Benilde College ang kanilang isang paa tungo sa pagsukbit ng kauna-unahang titulo sa pinakamatandang liga sa bansa ang 76th NCAA men’s tournament makaraang ibulsa ang Game One ng kanilang best-of-three championship series ng San Sebastian College kahapon.

Nagsilbing bayani ng laban si Mark Magsumbol nang kanyang isalpak ang winning basket sa 66-64 panalo kontra sa Stags sa Rizal Memorial Coliseum.

Nakalubog ang Taft-based dribblers sa tatlong puntos, 61-64, may 1:24 na lamang ang nalalabi mula sa dalawang free throws ni rookie Paul Reguerra, nagawang itabla ng Blazers ang iskor sa 64-all, at kumpletuhin ng pinarangalang Rookie of the Year na si Alexandro Magpayo ang kanyang three-point play mula sa foul ni Mark Macapagal nang tangkain nitong makipag-agawan ng bola sa una, patungo sa huling 40 segundo na lamang ang nalalabi sa oras.

Kailangan na lamang ng Blazers na ipanalo ang kanilang laro bukas upang maisukbit ang kanilang unang korona sapul ng sumali sa liga noong 1998.

Sa juniors division, naipuwersa naman ng host Mapua Institute of Technology ang winner-take-all match sa Huwebes nang kanilang igupo ang Letran Squires, 75-61 sa pagsisimula ng sariling best-of-three titular showdown.

Samantala, nahirang na Most Valuable Player ng liga si Jojo Manalo ng Jose Rizal College sa seniors.

ALEXANDRO MAGPAYO

GAME ONE

JOJO MANALO

JOSE RIZAL COLLEGE

LETRAN SQUIRES

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MARK MACAPAGAL

MARK MAGSUMBOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with