Mills pumirma sa Indian Pacers

INDIANAPOLIS, Indiana--Pinapirma ng Indiana Pacers ang free agent center na si Terry Mills noong Huwebes upang muling ipagpatuloy ng koponan ang kanilang pagpapalakas matapos na mawalan sila ng ilang mahuhusay na manlalaro simula noong last season ng National Basketball Association Finals.

Ang 32-anyos at 6-foot-10 na si Mills ay beterano ng 10 NBA seasons. Siya ay nagsimula ng kanyang huling season sa Detroit Pistons bago nai-trade sa Dallas noong Agosto 29.

Si Mills ay may career averages na 10.8 points, 5.5 rebounds at 1.3 assists sa 24.6 minutong paglalaro.

Siya ay naglaro rin para sa Denver, New Jersey at Miami na isang mahusay na three-point shooter at sa isang malaking tao na tulad niya, umaasa ang Pacers na siya ay makakatulong ng malaki sa koponan sa binakanteng puwesto ni Rik Smits kamakailan na nagpahayag ng kanyang pagreretiro.

Simula ng magtapos ang huling season, ang Pacers ay nawalan ng mga manlalaro na gaya nina Smits, point guard Mark Jackson at forwards Dale Davis at Chris Mullin .

Show comments