Maleeva dapa kay Martinez

FILDERSTADT, Germany--Nangailangan si Conchita Martinez ng Spain ng dalawang oras at 31 minuto bago niya maigupo si Magdalena Maleeva ng Bulgaria at makarating sa quarter-finals ng Porsche Grand Prix dito noong Huwebes.

Naungusan ng second-seeded Spaniard si Maleeva sa iskor na 4-6, 6-3, 7-5 at itakda ang kanyang pakikipagharap kontra Belgian teenager Kim Clijster.

Sa iba pang mahigpitang laro, kinailangan ni Nathalie Tauziat ng France ang deciding set upang matakasan ang matinding hamong ibinigay ni Barbara Rittner ng Germany, 3-6, 6-3, 6-2 at makipagharap sa kanyang kababayang si Anne-Gaelle Sidot.

Itinala ni Sidot ang natata-nging upset sa araw na ito nang kanyang patalsikin ang seventh-seeded na Amerikanang si Chanda Rubin, 7-5, 1-6, 6-4.

At sa second round action, ginapi ng eight seed na si Dominique Van Roost ng Belgium si Asa Carlsson ng Sweden, 6-3, 6-1 upang itakda ang kanyang pakikipag-laban sa top-seeded na si Martina Hingis.

Tampok naman sa ikaapat na quarterfinals match sina Arantxa Sanchez-Vicario ng Spain at Amanda Coetzer ng South Africa.

Show comments