Pacquiao vs Hussein at Rodrigo vs Jong Wan sa Yñares Sports Center
October 7, 2000 | 12:00am
Dalawa pang ibang international fights ang nakatakda sa sagupaang Manny Pacquiao-Nadel Hussein sa Oct. 14 sa Yñares Sports Center sa Antipolo, City.
Idedepensa ni Manny Pacquiao ang kanyang WBC International minimum-weight title kontra sa hindi kilalang si Zarlit Rodrigo ng Gen. Santos City, paglalabanan naman nina Randy Mangubat, RP No. 1 contender at Jong Wan Kim ng South Korea ang bakanteng WBC international flyweight crown.
Ang nasabing dalawang laro ay kapwa isang 12-round bouts ay siyang mga undercard sa laban ni Pacquiao na ipagtatanggol rin ang kanyang WBC International super bantamweight crown kontra sa walang talong karibal na si Hussein, isang Lebanese-born fighter na nakabase sa Australia.
"This will be a very exciting triple treat and expected to be a toe-to-toe battle," wika ng promoter na si Gabriel "Bebot" Elorde.
Hangad ni Melchor na mapanatili ang kanyang titulo sa ikalawang sunod na pagkakataon makaraan ang matagumpay na laban nito noong Hunyo nang kanyang igupo ang Mongolian na si Shinebayar Sukbatar.
Ang nasabing laban ang iprinisinta ng Rizal Provincial Governors Casimiro Yñares Jr., San Miguel Beer, PAGCOR at Elrode Sports Center at ipalalabas ng slightly delayed basis sa IBC 13 sa alas-10 ng gabi.
Iniulat na ang dating world flyweight champion na si Pacquiao ay nasa magandang kundisyon at mataas ang kanyang moral para sa kanyang nakatakdang pakikipaglaban kay Hussein na may hawak ng 19-0 records na ang 11 nito ay pawang mga knockouts.
Ang mga ticket sa labang ito ay mabibili na sa mga sumusunod na lugar: Yñares Sports Center (650-1239/696-1487); Rizal Provincial Capitol (635-3448/634-7176) and Elorde Sports Center (829-9721/829-9797 at 541-9398).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am