Liberato sa PBA Governors' Cup pinag-aagawan ng Pop Cola at Red Bull
October 6, 2000 | 12:00am
Nakataya ang ikalawang sunod na panalo para sa solong liderato sa engkuwentro ngayon ng Pop Cola Panthers at ng Batang Red Bull sa pagpapatuloy ng eliminations ng PBA season ending Governors Cup sa Phil-Sports Arena.
Matapos magtagum-pay sa kanilang asignatura noong Linggo sa Yñares Center, magtatagpo naman ang landas ng Panthers at ng Red Bull Thunder sa pambungad na laban sa ganap na alas-5:15 ng hapon.
Sa pangunguna ni import Sean Green, iginupo ng Pop Cola ang Shell Velocity, 97-88 habang pinasadsad na-man ng Red Bull ang Tanduay Rhummasters, 94-90 kung saan anim na players ang umiskor ng double digits.
Magkakasubukan ng lakas ngayon sina Green at Tutt sa kanilang engkuwentro gayundin sina Maurice Bell at Sean Chambers sa pagsasagupa naman ng Tanduay Gold Rhum at Alaska Aces sa ikalawang laro, dakong alas-7:30 ng gabi.
Kapwa bigo ang Rhummasters at ang Alaska sa kanilang unang laro sa third conference na ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended