Kournikova pinatalsik ni Clijster
October 5, 2000 | 12:00am
FILDERSTADT, Germany--Muli na namang maghihintay ng matagal na panahon si Anna Kournikova upang maibulsa ang kanyang kauna-unahang career title makaraang mapatalsik agad ito sa Porsche Tennis Grand Prix dito noong Martes.
Yumukod ang sixth-seed na Russian sa 6-4, 6-3 sa opening round kontra Kim Clijsters ng Belgium upang ipaghi-ganti ang kanyang tatlong set na kabiguan sa tinaguriang glamour girl ng tennis noong nakaraang Linggo sa Luxembourg.
Sa isang marathon na engkuwentro, nabigo si Jennifer Capriati na sundan ang kanyang tournament title victory sa Luxembourg nang siya ay masilat sa 6-0, 6-7 (11-13), 6-2 kontra 7th seed Chanda Rubin.
Nagpamalas si Clijster ng lakas at mabibilis na laro na siyang dahilan upang ma-walan ng balanse si Kournikova sa paghabol ng bola sa malalim na court upang kunin ang trangko sa 5-3 sa secon set.
Susunod na haharapin ni Clijster si Jana Kandarr ng Germany na nagtala ng 6-3, 6-2 pamamayani kontra Tatiana Panova ng Russia.
Sa iba pang laban, pinatalsik naman ni Barbara Rittner ng Germany si Elena Likhovtseva ng Russia, 6-2, 7-5 at tinalo naman ni Justine Henin si Gala Leon-Garcia ng Spain, 6-4, 6-2.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended