GSC Team champhionship sisimulan na

Panauhing pandangal ang mga chess personalities na sina Florencio Campomanes at International Master Rodolfo Cardoso para maging guest speaker sa pagbubukas ngayong taong edisyon ng Greenhills Shopping Center Chess Team Championship sa Oct. 18 sa GSC Complex sa San Juan.

Pumayag si Campomanes, chairman emeritus ng Federation Internationale des Echees na maghatid ng kanyang speech kasama si Cardoso, ang kauna-unahang IM ng bansa sa opening ceremony bago sila lumipad patungong Istanbul, Turkey para sa 2000 World Chess Olympiad.

Nakataya rito ang kabuuang P90,000 sa nine-round Swiss System event na ito na suportado ng Coca-Cola, Glutaphos, Mr. Donut Greenhills 24-hour branch, Jacobs Crackers, Salonship Aquapatch, Nova Chips at Lemon Square na ang magka-kampeon ay mag-uuwi ng P20,000.

Ito ay bukas para sa lahat ng paaralan, pribado at public companies at local at non-government units. Bukas na ang rehistrasyon para sa event na ito sa GSC office na matatagpuan sa GSC Theater o kaya ay tumawag kay Lito Concepcion o Noemi Tabamo sa tel. 7210572, 7210574 at 7264476.

Ang naturang event ay magkakaroon rin ng women’s team event na sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines sa pangunguna ni Grandmaster Eugene Torre.

Show comments