Shaina, ipinagpalit ang biyahe sa Amerika sa serye

Naudlot ang pagpunta ni Shaina Magdayao sa Amerika dahil sa seryeng Sins of the Father. Mangingibang-bansa dapat ang dalaga nang mapabilang sa proyektong pagbibidahan nina Gerald Anderson, Francine Diaz at Seth Fedelin. “It is an answered prayer. I’ve been praying for reason to stay longer. Coz there’s an opportunity na medyo umalis na muna ng Pilipinas and to pursue whatever it is,” pagtatapat ni Shaina sa ABS-CBN News.
Bukod kina Gerald, Seth at Francine ay makakatrabaho rin ng aktres sa bagong proyekto sina Jessy Mendiola, JC de Vera, Joko Diaz, Tirso Cruz III, RK Bagatsing, Soliman Cruz, Nico Antonio, Jerald Napoles at LA Santos.
Para kay Shaina ay hindi niya dapat palampasin ang magandang kwento ng serye at ang mga kasamahan dito. “This project came. Kung ganito kaganda ‘yung project, ang hirap hindian. Pagdating sa materyal, pagdating sa mga kasama ko sa show. And also to be able to work with direk FM Reyes again,” pagbabahagi ng dalaga.
Glaiza, handa nang maging ina
Unang nagpakasal sina Glaiza de Castro at David Rainey sa Ireland noong 2021. Muli namang nagpakasal ang mag-asawa noong 2023 sa Pilipinas.
Sa Ireland nakabase ngayon ang mister na businessman ni Glaiza habang ang aktres naman ay nagtatrabaho sa Pilipinas. Kapag mayroong mga suliranin ay sumasagi sa isipan ni Glaiza ang pagkakaroon nila ng LDR o long distance relationship ni David. “‘Yung mga time na nase-stress ako about work and family matters, mga personal struggles ko, ‘Sana nandito ka para tulungan ako na mag-come up with good decision.’ Or ‘sana nandito ka, para maalis lang ako sa problem na ‘yon.’ Or mapag-usapan or ma-process ko ‘yung nangyayari, may kakampi ako. Kasi may mga times na galing akong work, sobrang pagod ako. Then when I come home, I’m alone,” paglalahad ni Glaiza sa GMA Integrated News Interviews.
Kapag mayroong mga hindi pagkakaunawaan o tampuhan ay kinakailangan daw kaagad na magkaayos sila ng asawa ayon kay Glaiza. “Wala, hindi na lang ako magko-call back. No’ng umpisa pa lang gano’n ako. Pero natutunan ko na kapag may tampuhan kayo, kailangan mong i-deal with. Again, hindi natin alam kung hanggang kailan natin makakasama ‘yung partner. So itong araw na ‘to, huwag kayong matutulog na mayroon kayong sama ng loob sa isa’t isa. Ibaba mo na ‘yung pride mo, mag-sorry ka na at pag-usapan natin,” nakangiting pahayag ng Kapuso actress.
Sa mahigit apat na taon nang buhay may-asawa ay nakahanda na umanong magkaroon ng anak si Glaiza ngayon. “Yes, before I’m not open to talk about it. Ngayon mas nae-embrace ko ‘yung idea na, ‘oo nga ‘no parang ang saya no’n.’ Kaya wini-welcome ko rin ‘yung idea na, mahihirapan ako. Sa buhay naman hindi naman mawawala ‘yung paghihirap eh. As long as meron kang ka-teammate na forever nandiyan. At iso-solve n’yo together ang mga puzzle,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)
- Latest