^

Probinsiya

5 terorista sumuko sa Army sa Maguindanao

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon
5 terorista sumuko sa Army sa Maguindanao
Ang limang teroristang sumuko matapos iprisinta ng Philippine Army sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Martes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Limang lokal na tero­rista, dalawa sa kanila ay bihasa sa paggawa ng improvised explosive device (IED), ang sumuko sa isang unit ng Philippine Army sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Martes.

Sa pahayag nitong Miyerkules ni Major Gen. Donald Gumiran, commander ng 6th Infantry Division, nagtulungan sa paghikayat sa limang terorista sina Brig. Gen. Edgar Catu ng 601st Infantry Brigade, mga opisyal ng 90th Infantry Battalion at mga mayors ng Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao del Sur at mga karatig na mga bayan sa probinsya na sumuko at mamuhay na ng mapayapa.

Ang lima na kasapi ng ngayo’y mahina nang Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na kilala sa pagpapalaganap ng galit sa mga hindi Muslim na ayon sa mga ustadz o mga tunay na Islamic preachers, ay taliwas sa mga kautusan ng kanilang relihiyon.

Ginanap ang symbolic surrender ng limang te­rorista sa battalion headquarters ng 90th IB sa Brgy. Kabengi sa Datu Saudi Ampatuan nitong Martes kung saan una nilang isinuko ang kanilang mga IEDs at mga baril na kinabibilangan ng isang M1 garand rifle, isang bolt action 7.62 millimeter sniper rifle, isang M16 assault rifle at isang 5.56 M4 rifle bago sila nanumpang igagagalang na ang pamahalaan upang makapagbagong buhay na.

MAGUINDANAO DEL SUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->