Teodoro sa balota tanggalin - Pinoy Aksiyon
MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng good governance think-tank na tama lamang ang desisyon ng Commission on Election (Comelec) na kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 elections ni Marikina Mayor Marcy Teodoro sa pagkakongresista at tuluyang tanggalin sa balota ang pangalan nito.
Sa isinagawang press conference sa sa University of the Philippines, sinabi ng Pinoy Aksiyon, tama lang ang ginagawang pagbabantay ng Comelec upang protektahan ang integridad ng political process.
Ayon sa grupo, dapat lang kuwestiyunin ang ‘material misrepresentation’ at iba pang iregularidad sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 elections.
Sa desisyon noong Disyembre 11, 2024, kinansela ng Comelec’s First Division ang kandidatura ni Teodoro bilang kongresista ng unang congressional district ng lungsod dahil sa “material misrepresentation.”
Lumilitaw na hindi illegible si Teodoro na tumakbong kongresista sa unang distrito ng lungsod dahil siya ay residente ng 2nd district ng lungsod.
“Ang paghahain ng COC ni Mayor Teodoro para sa Unang Distrito ay isang malinaw na pambababoy sa proseso ng halalan. Wala itong paggalang sa batas, sa mga botante, at sa prinsipyong patas na halalan,” giit ng grupo.
- Latest