^

PSN Showbiz

Nadine, hindi na interesado sa teleserye

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Nadine, hindi na interesado sa teleserye
Nadine Lustre

Wala pang balak magbalik sa paggawa ng teleserye si Nadine Lustre.

Matatandaang huling nagbida sina Nadine at James Reid sa Till I Met You noong 2017. Sa ngayon ay wala pang plano ang aktres na sumabak muli sa teleserye. “It’s different working on TV series just because you need more time, lots of time and a lot of attention to TV series. Sometimes it doesn’t really last for like three months lang,” paliwanag ni Nadine sa ABS-CBN News.

Bukod sa pagiging artista ay abala rin sa sariling negosyo ang dalaga. Kapag walang ginagawang pelikula ay ang pagnenegosyo ang inaatupag ni Nadine. “Medyo kasi I was blindsided with a lot of the businesses that happened this year. I really had to reroute or switch my focus on other things. I’m really hoping next year that it’s the year for music. Sana matuloy pero ayoko magsalita nang patapos. Kasi baka mamaya hindi na naman mangyari,” giit ng aktres.

Mas pipiliin daw ni Nadine na pagtuunan ng panahon ang pagkanta kaysa pag-arte sa harap ng kamera. “Honestly, I would pick music. Just because I prefer the creative process even more and also just the work that needs to be put in. Parang mas kaya ‘yung music. I miss performing and I miss singing. I miss conceptualizing an album. So I really want to, let’s see next year,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Julia, gustong maging inspirasyon sa mga nabugbog!

Mapapanood na simula Nov. 28 sa Prime Video ang Saving Grace na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at si Julia Montes. Ito ang Philippine adaptation ng Mother na isang Japanese series. Ayon kay Julia ay kaabang-abang ang bawat eksena sa bagong proyekto. “It is close to home. I am praying this will help children, battered wives, physically or emotionally through whoever. Sana may mag-speak up and magkaroon ng strength lalo na kung nabubugbog ka ng salita o pisikal. ‘Di mo na alam minsan kung tama pa ba lumaban nang tama,” makahulugang pahayag ni Julia.

Kabilang din sa naturang online series sina Janice de Belen at Sam Milby. Para kay Julia ay makapagbibigay ng inspirasyon sa mga manonood ang bagong proyekto. “Sana po mas marami ma-resolve sa bawat isa. I am not saying sa abused lang ito, sana may ma-heal para sila din maging healing ng ibang tao. Sana mas marami ma-inspire. Sana may ma-save kayo and nag-save sa inyo,” dagdag pa ng aktres. — Reports from JCC

ACTRESS

NADINE LUSTRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with