Alas Women kinapos sa Saga sa friendlies
MANILA, Philippines — Kagaya ng inaasahan, winalis ng Saga Hisamitsu Springs ang Philippine national women’s team, 25-19, 25-16, 25-16, sa Alas Pilipinas Invitationals kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Humataw si star hitter Miyu Nakagawa ng 15 points mula sa 14 attacks at isang block para sa Hisamitsu Springs, ang nine-time champions ng Japan V. League.
“I’m very excited to play against Alas and with many spectators here compared to Japan,” ani Nakagawa sa mga Pinay spikers na muli nilang haharapin ngayong alas-4 ng hapon para sa pagtatapos ng two-day exhibition matches.
Tinapik ni Brazilian coach Jorge Souza De Brito si Choco Mucho setter Mars Alba bilang pansamantalang kapalit ni Jia De Guzman na muling maglalaro para sa Denso Airybees sa darating na Japan SV.League season.
Kasalukuyan pang naglalaban ang Alas Men at Osaka Bluteon kagabi habang isinusulat ito.
Ang friendlies ng Alas Pilipinas Women at Men ay bahagi ng one-year countdown para sa hosting ng bansa sa 2025 FIVB Men’s World Championship.
Isang beses lang lumamang ang mga Pinay spikers mula sa hataw ni Sisi Rondina para sa 8-7 bentahe bago kumamada ang Hisamitsu Springs at selyuhan ang panalo.
- Latest