5th win inilista ng Knicks vs Raptors
TORONTO — Inilista ng New York Knicks ang kanilang pang-limang panalo sa huling anim na laro matapos patumbahin ang Raptors, 113-108.
Nagbalik si Karl-Anthony Towns mula sa isang one-game absence at kumolekta ng 24 points at 15 rebounds para banderahan ang New York (15-9).
Umiskor si Mikal Bridges ng 23 points, habang naglista si point guard Jalen Brunson ng 20 points at 11 assists.
Pinamunuan ni guard RJ Barrett ang Toronto (7-18) sa kanyang 30 points at nagposte si center Jakob Poeltl ng 10 points at 12 rebounds.
Ang layup ni Towns sa huling 36 segundo ng fourth quarter at isa niyang three-point shot sa sumunod nilang posesyon ang nagbigay sa Knicks ng five-point lead.
Hindi natapos ni Raptors forward Scottie Barnes ang laro matapos magkaroon ng isang sprained right ankle sa gitna ng third period.
Hindi nakalaro si Barnes sa 11 laban ng Toronto sa season dahil sa isang right orbital fracture at nagsuot ng protective glasses matapos bumalik sa aksyon noong Nobyembre 21.
Nagtala ang Toronto ng 2-9 record sa hindi paglalaro ng 2022 NBA Rookie of the Year.
- Latest