^

PSN Palaro

P25 bilyon makukuha ng PSC mula sa PAGCOR, PCSO — Guiao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng umabot sa P25 bilyon ang matatanggap na pondo ng Philippine Sports Commission (PSC) mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ang sinabi kahapon ni dating Pampanga Rep. Yeng Guiao sa ‘Power & Play’ program ni dating PSC chairman Noli Eala ilang araw matapos katigan ng Supreme Court ang kanyang isinampang petition for mandamus noong 2016 para i-remit ng PAGCOR at PCSO ang bahagi ng kanilang kinita sa PSC sa ilalim ng Republic Act No. 6847 na bumuo sa sports agency noong 1990.

Ayon kay Guiao, ang makukuhang P25 bilyon ng PSC mula sa remittance ng PAGCOR at PCSO ay magagamit para sa pagpapagawa ng sports complex sa bawat rehiyon na may basketball court, volleyball court, swimming pool, track oval at football field.

Sa ilalim ng RA No. 6847, limang porsiyento ng gross income ng PAGCOR, mga nabentang stamps at tatlong porsiyento ng buwis na nakolekta mula sa imported athletic equipment ang dapat ibigay sa PSC. Ito ay simula noong 1993 hanggang ngayong taon.

Sa usapin naman sa PCSO, ang 30 porsiyento ng kanilang charity fund at kinita sa anim na sweepstakes ng lottery draws kada taon pati na ang buwis sa horse races sa special holidays simula noong 2006 ay diretso sana sa PSC.

Sinabi ng Rain or Shine coach na sa Office of the President pumapasok ang nasabing pondo mula sa PAGCOR at PCSO na hindi naibibigay sa PSC.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with