Early registration para sa School Year 2023-2024, nagsimula na
MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang early registration para sa incoming kindergarten, Grades 1, 7 at 11 learners sa public schools sa buong bansa para sa susunod na academic year.
Ang early registration ay kasado palang sa piling baitang sa lahat ng public elementary at secondary schools mula May 10 hanggang June 9, 2023.
Inihayag ng DepEd, kailangang magpre-register o makilahok ng enrollees sa kindergarten, Grades 1, 7 at 11 sa early registration para makapaghanda ang ahensya ng mga plano para sa School Year 2023-2024.
Ikokunsidera na ang incoming Grades 2, 3, 4, 5, 6, 8, 9, 10 at 12 learners mula sa public schools na pre-registered at hindi na kailangang makilahok sa proseso.
Hinikayat din ang mga pribadong paaralan na magsagawa ng early registration activities sa parehong period.
- Latest