Barbie, may bilin kay Jak pagkatapos ng breakup
Beautiful goodbye, JakBie.
Ganito kinumpirma ni Barbie Forteza na wala na sila ni Jak Roberto pagkatapos ng pitong taon.
Matagal-tagal nang pinag-uusapan ang nasabing breakup pero ngayon lang kinumpirma ng Kapuso actress.
Umpisa niya na kino-quote si Theodor Seuss Geisel isang American children’s author and cartoonist: “Don’t cry because it’s over. Smile because it happened” - Dr. Seuss.”
At naging pinakamasaya raw siya sa actor sa loob ng pitong taon ng pagmamahalan at pagkain ng ramen.
“Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love.”
Pero kahit exceptional ang pagmamahalan dumarating may mga pangyayari para sa mas magandang bagay.
“Your love was exceptional.
“But sometimes, good things fall apart so better things can come together.
“Beautiful goodbye, @jakroberto.”
Sa huli ay nagpasalamat siya at nagsabing alagaan ni Jak ang ang sarili at makahanap ng deserve niyang mahalin kasabay ng paghingi ng pang-unawa ng lahat.
“Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve.
“I hope for everyone’s understanding and I wish you can help us put this matter to rest,” katapusan ng post ni Barbie.
Last Christmas ay hindi na sila magkasama. At doon mas lumakas ang isyu na hiwalay na sila.
Si Barbie ay kasama ang kanyang pamilya hanggang bagong taon habang ang actor ay kasama ang lola at kapamilya sa Bulacan.
Dahil dito nabuhayan ng pag-asa ang fans nina Barbie at David Licauco.
Hindi nakitaan ng selos si Jak nang mag-click ang loveteam nina Barbie at David kung saan nagtambal sila sa mga teleserye at pelikula.
Pero common knowledge na may karelasyon si David.
Derek, ‘di mai-post ang anak sa takot kay Ellen
Takot si Derek Ramsay na i-post ang mukha ng anak sa social media, papatayin daw kasi siya ng misis na si Ellen Adarna.
Laging may takip ang face ng baby nila tuwing ipo-post niya ang baby na sa kulay pa lang ay tisay na tisay na.
- Latest