^

Probinsiya

Magbayaw niratrat sa harap ng bahay, 1 dedo

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Magbayaw niratrat sa harap ng bahay, 1 dedo
Patay agad ang isang lalaki (kaliwa) habang nakaratay sa ospital ang bayaw nito matapos silang pagbabarilin habang nagsasaya nitong New Year’s Day sa Dasmariñas City, Cavite.
Cristina Timbang

Madugong pagdiriwang ng Bagong Taon

CAVITE, Philippines — Naging madugo ang pagdiriwang ng Bagong Taon ng isang pamilya makaraang pagbabarilin ang magbayaw na ikinasawi ng isa sa tapat ng kanilang bahay habang nagkakasayahan kahapon ng madaling araw sa Brgy. H2. Dasmariñas City.

Dead-on-the-spot bunga ng tama ng bala sa kanyang likod ang biktimang si alyas “Johnny”, 42-anyos, habang inoobserbahan sa pagamutan ang sugatang bayaw nito na si alyas “Christoper”, 32-anyos.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ala-1 ng mada­ling araw nang maganap ang pamamaril sa Interfashion Brgy. H2, Dasmariñas City kung saan unang nagdiwang ng pagsalubong ng Bagong Taon ang magbayaw sa tapat ng kanilang bahay.

Masaya pang nagpapaputok ang mga biktima ng mga firecrackers nang dumating ang tatlong lalaki at isa sa kanila ay armado ng .38 caliber revolver.

Pagkita sa magbayaw, agad na pinagbabaril ng isa sa mga suspek ang mga biktima.

Kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ang dalawa kung saan nakatakbo pa si Christopher at humingi ng tulong habang namatay noon din sa lugar ang bayaw niyang si Johnny.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek at naiwan pa nila sa pagmamadali ang baril na kanilang ginamit sa krimen.

DASMARIñAS CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with