^

Police Metro

Mag-ina tinodas ng adik, mga ulo dinurog!

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay na at kapwa durog ang ulo ng isang ginang at batang anak na lalaki matapos silang pagpupukpukin ng matigas na bagay at busalan ang bibig ng umano’y lala­king addict sa droga sa loob ng kanilang tahanan ng mag-ina nitong Martes ng gabi.

Basag ang mga ulo at naliligo sa sariling dugo ang mga biktimang sina Janice Joy Castro, 43 at 6- anyos na anak na lalaki nang matagpuan ng isa miyembro ng kapamilya. 

Sa naantalang ulat na inilabas ng Valenzuela City Police, tinataya na nangyari ang krimen alas-12 ng tanghali sa loob ng bahay ng mag-ina.

Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Michael Serbidad ­Francisco na nakunan ng CCTV na nakasunod at pumasok sa bahay ng mga biktima bago ang krimen bandang alas-11 ng tanghali.

Bandang ala-8:30 ng gabi nang umuwi ang isa pang anak ni Gng. Castro na si “Jien” at dito na nya nadatnan ang ina at batang kapatid na kapwa patay at may mga palo sa ulo.

KRIMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with