Paghiram sa GCash mas pinadali, pinagaan
Upang mas lalong matulungan ang mga Pinoy na makaagapay sa kanilang pangangailangang pinansiyal, mas lalong pinadali at pinagaan ang paghiram ng pera sa tulong ng GCash.
Ito ay dahil sa nababatid ng GCash na sa kabila ng pagbalik-opisina ng karamihan at muling pagbukas ng ekonomiya ng bansa, hindi pa rin nakaaagapay ang marami sa epekto ng pandemya at sa pagtaas ng bilihin sa merkado.
Sa tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas, apat sa 10 Pilipino pa rin ang “unbanked” o walang pormal na account sa bangko, kaya’t marami ang hindi makaluwag sa gastusin sa pamamagitan ng bank loans, credit cards at iba pang pautang.
Ngayon, sa paglunsad ng GGives, GLoan at GCredit ng e-wallet app na GCash, mabibigyan ang mas maraming Pilipino ng pagkakataong tugunan ang mga pangangailangang pinansyal nang hindi kailangang dumaan sa mabusisi at kalimitan ay komplikadong proseso gaya sa mga bangko.
Higit sa lahat, mabibigyan ng flexibility ang mga GCash users sa pagbabayad ayon sa kanilang makakaya.
Ayon kay Zo Canaria, FUSE Lending Growth Marketing Head, “Palaging may pinagdadaanang pagsubok ang mga Pilipino. Sa GGives, GLoan at GCredit, layon naming mapadali nang kahit kaunti ang kanilang buhay dahil kung sila ay eligible na GCash user, madali silang makakakuha ng extra funds para sa anumang gastusin at pangangailangan.”
Subok na ng mga Pilipino ang GCash sa pang-araw-araw na mga transaksyon. Ngunit bukod sa pagbili ng load, pagpapadala at pagtanggap ng pera, o pagbayad ng bilihin, maari mo na ring gamitin ang GCash upang matustusan ang mga pang-araw-araw na gastusin, pati na rin ang malalaking selebrasyon o kahit pa pang-upgrade ng mga gamit sa bahay.
Dahil hindi na kailangan dumaan sa mahabang proseso o matinding pagsisiyasat ng mga bangko sa pahiram na pera, napapalawak ng GCash ang kakayahan ng mga Pilipinong umangat at umasenso.
Magaan at madaling hulugan ang GGives
Ang GGives ay madali at flexible na installment plan para sa mga malalaking bilihin upang hindi maging mabigat sa bulsa.
Para sa mga nag-aasam na makapag-upgrade ng pamumuhay, maaaring makakuha ng installment plan na may halagang hanggang P125,000 nang walang downpayment at maaring bayaran mula tatlong buwan hanggang sa dalawang taon.
Aprubadong pautang sa GLoan
Ang GLoan ay ang pre-approved, fast-cash loan ng GCash para sa mabilisang pautang nang hindi nangangailangan ng mga dagdag na papeles. Maaaring makahiram ng hanggang P125,000 ang mga eligible users na direktang idedeposito sa kanilang GCash wallet.
Laging handa na extra funds sa GCredit
Walang credit card? Walang problema dahil sa GCredit, powered by CIMB, hindi ka na mangangailangan ng credit card.
Maaari kang makakuha ng credit limit na hanggang P50,000, at mas mababa ang interest pag mas maagang makapagbayad kaya hindi na ulit makukulangan ng pondo ang mga eligible GCash users upang bumili ng groceries o mga gamit online o magbayad ng kuryente, tubig at iba pang bills.
“Higit 70 million na ang GCash users sa Pilipinas, at tungkulin naming tulungan ang mga Pilipinong makamit ang kanilang mga hangarin sa buhay sa pamamagitan ng mga oportunidad dala ng mas madali at malawak na access sa financial solutions ng GCash,” dadag ni Canaria.
“Alam naming maraming nag-aatubili pagdating sa konsepto ng paghiram ng pondo, kaya sinadya naming padaliin ang proseso at paggamit ng GGives, GLoan at GCredit.”
Para maging eligible sa GGives, GLoan at GCredit, kailangan fully-verified ang GCash profile at kailangan mag-maintain ng qualified GScore, ang trust rating na ginagamit ng GCash sa responsableng paggamit ng app.
Maaaring mapataas ang GScore sa pamamagitan ng pag maintain ng active GCash wallet balance, regular na paggamit ng GCash features, at pagbayad ng mga dues at fees nang maaga o sa takdang panahon.
Gamitin na ang GGives, GLoan at GCredit! Hanapin lamang ang “Borrow” sa inyong GCash dashboard.
Wala pang GCash? I-download ang GCash App sa Apple App Store, Google Play Store o Huawei App Gallery!
Kaya mo, i-GCash mo!
- Latest