Viva Music & Artist Group Inc. at Believe, pinormalisa ang pakikipagsosyo
MANILA, Philippines — Pormal nang lumagda ang mga liderato ng mga nangungunang kumpanya sa musika, ang Viva Music & Artist Group Inc. at ang Believe, sa kanilang pakikipagsosyo sa negosyo noong nakarang Disyembre 1.
Ang Viva Music & Artist Group Inc. (VMAGI) ay isa sa pinakamalalaking media companies sa Pilipinas ngayon at sa kabuuang Southeast Asia.
Kinasasakupan ng VMAGI ang Viva Records—ang music label na matagal nang tinatawag na tahanan ng mga bituin, katulad nila Sarah Geronimo, Anne Curtis at ng mga makabagong hitmakers tulad ng This Band, ALLMO$T, The Juans, Janine Tenoso, Arthur Nery at ng marami pang hit artists.
Nasasakupan din ng VMAGI ang Vicor Records, ang isa sa pinakamatagal nang establisadong kumpanya ng musika sa Pilipinas, na nagmamay-ari ng pinaka tanyag na katalogo ng orihinal na musikang Pilipino.
Ang Believe naman ay isa sa nangungunang kumpanya sa mundo sa larangan ng digital music. Sa nilagdaang pakikipagsosyo ng dalawa, ang Believe ang nakakuha ng kinse-porsyento sa VMAGI.
Sa yaring pakikipagsosyo, isusulong ng dalawang kumpanya ang pagpapalaki ng musika at ng mga Pinoy artists sa bansa at sa labas nito. Particular sa Asia, na isa sa pinakamabilis ang pag-usbong at pinakamalaking merkado ng digital music sa buong mundo.
Naniniwala ang Believe na ang Pilipinas ay magiging isa sa mga mangungunang bansa sa rehiyon ng Asia sa pagtatapos ng kasalukuyang dekada. Simula pa nung 2013, ang Believe ay sumalang na sa pakikipag-negosyo sa rehiyon ng Asia. Noong 2019 unang nagsimulang mag-krus ng landas sa negosyo ang Believe at VMAGI.
Pagsasanibin ng dalawang kumpanya ang kani-kanilang talento at galing: ang VMAGI sa pagtuklas at pagsulong at pamamahala ng talent, musika at lahat ng kaakibat sa larangan nito, at ang Believe naman sa larangan ng serbisyong digital at solusyong pang-teknolohiya.
Ang kinse-porsyento na nakuha ng Believe sa VMAGI ay katumbas ng $26 million (o 23 million euros) na pamumuhunan sa kapital na ipapasok ng nauna sa VMAGI.
“I am extremely proud and honored to establish this long-term partnership between Viva Music and Artists Group Inc. and Believe. Under the highly successful leadership of Vic Del Rosario Jr., coupled with the forward-thinking vision of Verb Del Rosario, Viva has achieved the unique position of being simultaneously the most established and the most innovative music company in the Philippines,” ani Sylvain Delange, pamunuang direktor ng Believe sa Asia-Pacific.
“I am very confident that, leveraging each other’s expertise, this partnership will enable Viva and Believe to capture the ever-growing opportunities of the Philippines market and contribute to the rise of Local Artists," dagdag pa niya.
“It is with great pleasure and honor that I welcome Believe’s entry into Viva. Being one of the leading digital music corporations in the world, Believe brings with it its unparalleled track record in music technology advances and industry-leading label and artists services,” sabi naman ni Vic Del Rosario Jr., pamunuan ng Viva.
“Opportunities are boundless, as the partnership seeks to take Viva Music and Artists Group Inc. (VMAGI) into the next level, with the sole aim of marrying Believe’s vast international know-how on the digital front and that of Viva’s 50 years of dominance of the Filipino entertainment scene. This is truly an exciting development not only for the 2 companies but also for all the great and talented Pinoy artists who dream of making it big in business both here and abroad,” dagdag nito.
Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa website ng Believe sa https://www.believemusic.com/ at ng VMAGI sa www.viva.com.ph.
- Latest