^

Pang Movies

Mariel, nag-effort pasayahin si BB!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mariel, nag-effort pasayahin si BB!
BB at mga kapatid
STAR/File

Ang bongga naman ni BB Gandanghari na nakabalik na ng Pilipinas.

Ipinakita ni Mariel Padilla, na misis ng kapatid ni BB na si Sen. Robin Padilla, ang mga litrato at video sa hinanda nilang welcome party para kay BB kasabay na rin ng birthday celebration nito.

Nagkomento naman si BB bilang pasasalamat niya kay Mariel sa kanyang “grandest party ever” at na-touch siya sa ginawa nitong pag-imbita sa mga mahahalagang tao sa kanya. Tinawag pa niya itong “the best among the rest…”

Napuri nga si Mariel ng netizen dahil one of the best wives at in-law raw ito na talagang pinaghahandaan ang party ng kanyang pamilya.

Ipinost din ni BB sa kanyang social media account ang mga kaganapan sa party na tinawag niyang homecoming mula sa umpisa ng kanyang pagpasok sa venue kung saan lutang ang kaseksihan niya.

Fifty-seven na pala ito.

Makikita rin sa mga litrato at video na pinost nila ang yakapan nila ng kapatid na si Sen. Robin at litrato nila ng mga kapatid nila.

Naroon din ang pamangkin ni BB na si Kylie Padilla kung saan may litrato rin sila ng tatay niyang action star.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni BB ang utol niya at mister ni Mariel sa sorpresang ito.

Makikita rin ang mga kaibigan niyang taga-showbiz gaya nina Tirso Cruz III, Pops Fernandez, Marjorie Barretto, Joko Diaz at marami pang iba.

Pero isa sa napansin ng netizens ay hindi raw dumalo ang pamangkin niya kay Rommel na si Daniel Padilla sa party nito. Mukhang busy ito sa taping ng Incognito na pagsasamahan nila ni Richard Gutierrez.

vuukle comment

BB GANDANGHARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with