Diretsong 15 sa Cavs

CLEVELAND — Humataw si Darius Garland ng 30 points para pangunahan ang NBA-leading Cavaliers sa 109-104 paglusot sa Brooklyn Nets at tusukin ang ika-15 sunod na panalo.
Humakot si Jarrett Aallen ng 23 points at 13 rebounds at naglista si Evan Mobley ng 21 points, 9 rebounds at 6 assists para sa Cleveland (55-10) na sinimulan din ang season sa isang 15-game winning streak.
Pinamunuan ni Cam Thomas ang Nets (22-43) sa kanyang 27 points, habang may 17 at 14 markers sina Cameron Johnson at Ziaire Williams, ayon sa pagkakasunod.
Bumangon ang Cavaliers mula sa isang 18-point deficit sa third quarter para agawin ang 101-99 abante sa Nets sa huling 56 segundo sa fourth period.
Sa Indianapolis, kinumpleto ni Tyrese Haliburton ang isang four-point play sa huling 3.4 segundo sa 115-114 pagtakas ng Indiana Pacers (36-28) sa Milwaukee Bucks (36-28).
Sa Detroit, nakuwintas si Cade Cunningham ng 27 points at 10 assists sa 123-103 paggiba ng Pistons (37-29) sa NBA-worst Washington Wizards (13-51).
Sa New Orleans, humakot si Zion Williamson ng triple-double na 22 points, 12 assists at 10 rebounds sa 127-120 paglunod ng Pelicans (18-48) sa Los Angeles Clippers (35-30).
Nag-ambag si CJ McCollum ng 23 points kasunod ang 21 markers ni Trey Murphy III para tapusin ang apat na dikit na talo ng New Orleans.
Pinamunuan ni Kawhi Leonard ang Los Angeles sa kanyang game-high 29 points habang tumipa si James Harden ng 25 points at 17 assists.
- Latest