^

PSN Palaro

Yulo PSA Athlete of the Year

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Yulo PSA Athlete of the Year
Carlos Yulo

MANILA, Philippines — Ito ang unang pagkakataon na nanalo ng dalawang gold medal ang isang Pinoy athlete sa isang Olympic Games.

Ginawa ito ni gymnast Carlos Edriel Yulo sa nakaraang 2024 Olympics sa Paris, France matapos pagharian ang men’s floor exercise at vault finals.

Bunga nito ay kinilala si Yulo bilang 2024 Athlete of the Year ng Philippine Sportswriters Association (PSA) para sa darating na Awards Night sa Enero 27 sa grand ballroom ng Manila Hotel.

“From a great Olympic performance to an even greater Olympic show, and from one big breakthrough to an even bigger breakthrough – thanks to Carlos Yulo whose giant feat we will celebrate in handling him our highest accolades,” sabi ni PSA President Nelson Beltran, ang sports editor ng The Philippine Star, sa pagbibigay sa tubong Leveriza, Manila ng highest indivi­dual honor ng sports writing community,

Ang 24-anyos na si Yulo ang unang gymnast matapos si Pia Adelle Reyes noong 1997 na gagawaran ng Athlete of the Year award ng pinakamatandang media organization sa bansa sa traditional gala night na suportado ng San Miguel Corporation at co-presented ng ArenaPlus, Cignal at MediaQuest.

Ang makasaysayang panalo ni Yulo sa Paris ay sumunod sa pagbuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic gold ng Pinas sa 2020 Tok­yo Olympics nang pagreynahan niya ang women’s 55kg class final.

Sa Japanese capital din ang naging Olympic debut ni Yulo kung saan siya minalas sa medalya sa men’s vault finals.

Matapos ang apat na taon ay nakabalik si Yulo sa Olympics at inangkin ang makasaysayang dalawang gintong medalya ng bansa sa Paris.

Mula sa kabiguan sa floor exercise sa Tokyo Games ay bumawi si Yulo at dinomina ang kanyang pet event sa kinolektang 15.000 points para talunin si reigning champion Artem Dolgopyat ng Israel (14.966) para sa unang ginto ng bansa sa Paris.

Muling kumuha ng ginto sa Yulo sa panalo sa men’s vault final sa nahakot niyang 15.116 points laban kay Arthur Davtyan ng Armenia (14.966).

Maliban sa Athlete of the Year, ilang tropeo rin ang ipamimigay sa formal presentation na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, PLDT/Smart, ni Senator Bong Go at ng Januarius Hol­dings bilang major sponsors kasama ang mga minor sponsors na PBA, PVL, 1-Pacman Party List, Acro City, Rain or Shine at Akari.

CARLOS EDRIEL YULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with