Ginebra, SMB magbabasagan
MANILA, Philippines — Sa pagbabalik ng mga aksyon sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup sa Linggo ay magtutuos ang mag-utol na Barangay Ginebra at San Miguel sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ang unang laro ng mga Gin Kings at Beermen para sa taong 2025.
“Coming off the break, we’ve got San Miguel. So it doesn’t get any easier,” sabi ni Ginebra coach Tim Cone sa San Miguel na muling hinawakan ni mentor Leo Austria matapos palitan si Jorge Gallent.
Target ng Gin Kings ang ikatlong sunod na ratsada para mapaganda ang kanilang 4-2 record kagaya ng hangarin ng Beermen na nagdadala ng 3-3 baraha.
“It’s hard when you come into the game and be in a ‘must win, must win.’ That puts a lot of pressure on you,” ani Cone. “And we’re coming to San Miguel feeling confident and comfortable with our game, we do that, and we usually perform pretty well against them.”
Umiskor ang Ginebra ng isang 95-92 come-from-behind win sa Magnolia kung saan sila bumangon mula sa 22-point deficit.
Ang buzzer-beating three-point shot ni one-time PBA MVP Scottie Thompson ang naglusot sa tropa ni Cone.
Sa Linggo rin maghaharap ang guest team Eastern (6-2) at Meralco (3-2).
Binasag ng Hong Kong team ang Beermen, 99-91, habang nakuryente ang Bolts sa Converge FiberXers, 94-110, sa kanilang mga huling laban.
- Latest