^

Punto Mo

Mayang (125)

Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Kinuha ni Lolo Nado kay Mayang ang bagin na latigo.

“Dadasalan ko lang ito ngayon,” sabi ng matanda at lumabas ng bahay at nagtungo sa bakuran.

Inilabas pa ni Mayang ang iba pang agimat at baka kaila­nganin ni Lolo Nado. Baka dadasalan din ang mga ito. Nasa pulang supot ang mga agimat.

Pagkaraan ng kinse minutos ay nagbalik sa loob si Lolo Nado.

“Gagamitin ko ito kapag pinasok tayo ng mga masasa­mang tao,’’ sabi ni Lolo Nado habang hawak ang bagin na latigo.

“Ang bawat tamaan ng hagupit nito ay hindi na makakabangon. Mapaparalisa ang katawan!’’

“Ang iba pong agimat, dadasalan mo po ba, Lolo Nado?’’

“Oo. Mabuti nang napakain ng dasal ang mga yan para mabisa.’’

Ibinigay ni Mayang kay Lolo Nado ang supot na may agimat.

Lumabas muli ng bahay ang matanda at nagtungo sa bakuran.

Nag-usap naman sina Mayang at Mam Araceli.

“Mabuti at nagtungo si Lolo Nado rito—may magtatanggol sa atin,’’ sabi ni Mayang.

“Oo nga Mayang. Alam mo kanina nang wala pa si Lolo ay kinakabahana ako lalo na ng sabihin ng inaanak kong police colonel na narito na sa Pinamalayan sina Henry at Puri. Sabi ni Colonel, tiyak na magiging marahas sina Henry at papatayin lahat nang makita sa bahay.’’

“Diyos ko!’’

“Pero nangako si Henry na pagdating nila rito sa Pinamalayan ay sa bahay mo agad dederetso para maprotektahan ka sa mga wanted ng batas. Shoot to kill pala ang order sa dalawang wanted. Armado ang dalawa. Kaya kapag naispatan, babarilin agad sila.’’

“Sana ay hindi rito sa bahay mangyari ang barilan, Mam Araceli.’’

“Ipagdasal natin, Mayang.’’

Maya-maya, nag-ring ang CP ni Mam Araceli. Si Col. Buenviaje ang tumatawag.

“Hello Colonel.’’

“Hello Ninang. Narito na kami sa Pinamalayan. Haha­napin na namin ang grupo nina Henry at Puri!”

“Mag-ingat kayo.”

“Advise mo ako Ninang, in-case makita n’yo ang grupo.’’

“Okey Colonel! (Itutuloy)

LOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with