Summer Bell magpapasiklab sa pista
MANILA, Philippines — Naka-lineup ang Summer Bell sa magaganap na 3-Year-Old & Above Maiden race na ilalarga bukas sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Sasakyan ni jockey Christian Garganta, makakatagisan ng bilis ng Summer Bell ang pitong tigasing kalahok sa distansyang 1,400 meter race.
May nakalaan na P15,000 na added prize para sa winning horse owner, ang ibang kalahok ay ang Go Getting, Catalytic, Who’s That Girl, Boy Wonder, Good Prognosis, Azintado at Star Of The Show.
Ayon sa komento ng mga karerista, posibleng magpakitang gilas ang kalahok na Catalytic, Boy Wonder at Star Of The Show kaya asahang mainit ang magiging labanan sa unahan.
“Mga batang kabayo kaya maaaring yung ibang kalahok ay nakatago ang pruweba kaya puwedeng makasilat ang mga dehadong kabayo,” pahayag ni Carlito Ledesma, veteran karerista.
Mag-uuwi rin ang breeder ng mananalong kabayo ng P4,500 habang P1,000 at P500.00 ang second at third placers, ayon sa pagkakasunod.
Pakakawalan ang nasabing karera sa unang race sa alas-5 ng hapon, simula rin iyon ng tayaan para sa winner take all (WTA).
Samantala, pitong karera ang inilaan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) lahat ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
- Latest