^

PSN Opinyon

Lalaki sa South Korea, nagpataba para makaiwas sa military service!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang 26-anyos na lalaki mula South Korea ang hinatulan ng korte ng pagkakakulong matapos mapatunayang sinadya nitong magpataba upang maka­iwas sa mandatory military service.

Ang nasabing lalaki ay kumain nang marami at uminom nang maraming tubig bago sumailalim sa physical exam para sa military draft.

Dahil dito, nakategorya siya bilang obese at naitalaga sa isang non-combat role sa isang ahensiya ng gobyerno, kung saan maaari siyang mag-commute mula sa bahay.

Ayon sa Seoul Eastern Dongbu District Court, ang lalaki ay nahatulan ng isang taong pagkakakulong dahil sa paglabag sa Military Service Act.

Ang kanyang kaibigan, na umano’y nagplano ng weight-gain regimen, ay nahatulan din ng anim na buwang pagkakakulong.

Noong Oktubre 2017, ang lalaki ay nakategorya bilang “Grade 2” sa kanyang unang physical exam, isang antas na kuwalipikado para sa combat role.

Ngunit sa huling pagsusuri noong Hunyo 2023, umabot ang kanyang timbang sa 102.3 kilos at may body mass index (BMI) ito na 35.8, na itinuturing na “heavily obese”.

Dahil dito, na-reclassify siya bilang “Grade 4”, na nag­bigay-daan sa kanya upang maglingkod sa isang non-combat role.

Sa korte, itinanggi ng kaibigan ang paratang na tumulong siya sa pag-iwas ng suspek sa military service. Aniya, ang weight-gain plan ay biro lamang at hindi niya akalaing seseryosohin ito ng suspek.

Bagama’t ang pag-iwas sa serbisyong militar ay may karampatang parusa na tatlong taong pagkakakulong sa South Korea, nagpasya ang korte na magbigay ng mas magaang sentensiya. Isinasaalang-alang ng korte ang malinis na record ng akusado.

Ayon sa mga ulat, hindi ito ang unang insidente ng draft evasion sa South Korea. Noong 2018, 12 estudyante mula sa isang unibersidad ang sinasabing sadyang nagpataba sa pamamagitan ng pagkain araw-araw nang maraming fast food upang makaiwas sa kanilang military service.

SOUTH KOREA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with