^

Metro

‘Big boss’ ng Korean online gambling syndicate, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Big boss’ ng Korean online gambling syndicate, timbog
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang dayuhan na si Lee Jaehun, 45-anyos. Naaresto siya sa loob ng isang commercial complex sa may Brgy. Holy Spirit ng mga tauhan ng BI-Fugitive Search Unit sa bisa ng warrant dahil sa pagiging ‘undesirable alien’ at ‘overstaying’.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang itinuturong lider ng isang sindikato ng Korean online gambling sa isang ope­rasyon sa Quezon City nitong nakaraang Martes.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang dayuhan na si Lee Jaehun, 45-anyos. Naaresto siya sa loob ng isang commercial complex sa may Brgy. Holy Spirit ng mga tauhan ng BI-Fugitive Search Unit sa bisa ng warrant dahil sa pagiging ‘undesirable alien’ at ‘overstaying’.

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, nahaharap sa ‘warrant of arrest’ si Lee na inilabas ng Changwon district court sa South Korea dahil sa paglabag sa kanilang ‘illegal gambling law’. Si Lee umano ang pinuno ng isang sindikato na nag-ooperate ng isang online server na nagpapataya para sa iba’t ibang ‘sports competitions’.

Aabot na sa hala­gang 1.4 trilyong won o US$1.17 milyon ang natangay ng sindikato sa mga kababayang Ko­reano dahil sa operasyon ng ilegal na pasugalan mula Enero 2015 hanggang Oktubre 2016.

Nakaditine ngayon ang suspek sa BI warden faci­lity sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Inilagay na rin siya sa immigration blacklist at inaasikaso na ang pagpapa-deport sa kaniya.

BI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with