^

True Confessions

Hiyasmin (227)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Tuwing umaga pag­bangon ko ay naka­karamdam ako ng pagdu­duwal at nahihilo. Tinatamad din akong bumangon. Halos tuwing umaga ay ganun ang nararamdaman ko.

“At ang isang pinagtaka ko pa, hindi pa ko nagkaka­regla. Regular ang dating ng menstruation ko pero noon ay wala pa. Hanggang sa hindi na nga nagkaregla at malakas ang kutob ko na buntis ako. Ang mga palatandaan ay naroon na lahat kaya sigurado akong nagbunga na ang pagta­talik namin ni Rashid.

“Maraming beses ka­ming nagtalik kaya sure na akong buntis. Naisip ko, kailangang malaman ni Rashid ang kalagayan ko. Hindi ko dapat sarilinin ang problema dahil pareho naming ginawa ito.

“Nang mapag-isa kami ni Ra­shid, sinabi ko sa kanya na buntis ako. Napamula­gat siya na para bang hindi inaa­sahan ang sinabi ko. Palibhasa si­guro ay noon lamang nakarinig na buntis ang babae, kaya parang natulala. Nang tanungin ko kung ano ang gagawin namin ay hindi agad nakasagot.

“Nang muli kong tanu­ngin, sinabi sa akin na huwag akong mag-worry. Nag­hiwalay kami na walang malinaw na gagawin sa kalagayan ko.

“Hanggang sa napansin ko na iniiwasan na ako ni Rashid. Hanggang sa hindi ko na siya nakikita sa bahay. Nalaman ko, nasa bahay daw ng kamag-anak.

“Hindi ko malaman ang gagawin ng mga panahong ‘yun. Kapag hindi ako naka­gawa ng paraan, lolobo ang aking tiyan at malaking prob­lema ang haharapin ko.’’

(Itutuloy)

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->