^

True Confessions

Hiyasmin (226)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“HABANG nagsasalo kami ni Rashid sa malamig niyang kuwarto, nagkaroon naman ng sandstorm sa labas. Malakas ang bagyong buhangin na kadalasang nananalasa kapag patapos na ang tag-init at papasok na sa taglamig.

“Kahit bukas ang aircon, naririnig ko ang sipol ng hangin na dala ng sandstorm. Mabangis ang sandstorm na walang iniwan sa hagupit ng bagyo na nararanasan sa Pilipinas. Ang kaibahan ng sandstorm sa Kuwait sa bagyo sa Pinas, hangin na may buhangin ang nananalasa. Walang makikita sa daan o sa mga kalsada sapagkat zero visi­bility. Walang sasakyang tu­matakbo sa kalsada sapagkat delikado. May mga sasakyang nililipad dahil sa bagsik ng sandstorm.

“Pero gaano man kabangis ang sandstorm sa labas, mas mabangis ang gina­gawa sa akin ni Rashid. Halos maba­liw ako sa ginagawa niya na nalilimutan ko na ang lahat. Ang akala ko, prinsesa na ako at prinsipe si Rashid. Hindi ako kasambahay ng oras na iyon at sa halip isang masuwerteng anak ni Eba na minahal ng isang isang Adan.”

“Hindi ako makasigaw sa ginagawa ni Rashid kaya pawang ungol ang ginawa ko. Ungol na nag­papahiwatig ng kasiyahan at hindi kapighatian.”

“Nang matapos ang sandstorm sa labas, natapos din ang kabangisan ni Rashid. Maligaya kami—walang ka­singligaya.”

“Lihim na lihim ang ginagawa namin ni Rashid. Sabi niya sa akin, malaking problema raw kapag nalaman ang ginagawa namin. Kaya naging maingat kami ni Rashid sa ginagawang patagong pagtatalik. Kapag umalis ng bahay ang aking mga amo, nangyayari ang aming pagsasalo.”

“Nasundan pa ang mga nangyari sa amin na kadalasang sa kuwarto niya nagaganap.”

“Hanggang may maramdaman akong pagbabago sa katawan—naging antukin ako at laging napapasuka.”

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->