^

Probinsiya

Task Group binuo ng PNP sa Tagaytay shootout 

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Bumuo na kahapon ang Philippine National Police (PNP) ng Special Investigation Task Group (SITG) ”Binalay-Batarao-Santos” para hawakan ang imbestigasyon sa kalunus-lunos na insidente ng engkuwentro na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang pulis at isang abogado dahil sa umano’y alitan sa lupa sa Tagaytay City, Cavite noong Linggo ng hapon. 

Sinabi ni Lt. Col Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon, na ang task force ay binubuo ng Criminal Investigation and Detection Group-Cavite, Provincial Intelligence Unit-Cavite, Scene of the Crime Operatives at iba pang support law enforcement units at pinamumunuan ng Cavite provincial director nitong si Col. Eleuterio Ricardo.

Ang bawat unit ay may iba’t ibang tungkulin upang mangalap ng ebidensya, impormasyon, mga nakasaksi at maghanap ng available na video footage ng close-circuit television camera na naka-install malapit sa insidente.

‘Sinabi ni Gen. Paul Kenneth Lucas, Calabarzon police director, na ang task group ay nagsagawa ng reenactment proceeding sa crime site upang matukoy ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari na nauwi sa isang pamamaril. 

Ayon kay Lucas na ang task group ay nagsampa kahapon ng criminal complaint na may dalawang bilang ng pagpatay sa Provincial Prosecutor Office laban sa dalawang naaresto – sina Elver Mabuti, at Benedicto na sangkot sa pamamaril.

Dalawang pulis na sina Capt. Adrian Binalay ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region, ang kanyang kasamahan na si Capt. Tomas Batarao Jr. ng Calabarzon police personnel holding and accounting section, at isang abogadong si Dennis Santos ang napatay sa umano’y shootout dahil sa “alitan sa lupa” sa loob ng Prime Peak Subdivision sa Barangay Maitim, Tagaytay, Cavite noong Linggo dakong alas-2 ng hapon.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with