^

PSN Palaro

Gilas gumawa ng kasaysayan sa FIBA OQT

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Animnapu’t apat na taon.

Ganyan katagal ang ginugol ng Gilas Pilipinas sa paghihintay, pag-asa at panalanging sa wakas ay magkakaroon man lang ito ng tsansang makasabay o makasilat sa isang European squad.

Kahapon ng mada­ling araw, natapos na ang mahabang pag-aabang nang gulantangin ng Gilas ang world No. 6 na Latvia, 89-80, sa pinakamalaking upset ng FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Nagawa ito ng Gilas sa homecourt ng Latvia sa Arena Riga at sa harap ng mga natamemeng Latvian fans sa kanilang pinakamatinding upset kontra sa isang hamak na Asian team.

Ayon sa FIBA, ito ang unang pagkakataon na natalo ng Pilipinas ang isang European team simula noong 1960 Olympics sa Rome, Italy matapos ang 84-82 tagumpay kontra sa Spain.

Matatandaang noong nakaraang taon lang sa Asian Games ay binanderahan din ni Cone ang Gilas sa gintong medalya sa unang pagkakataon sa loob ng 61 taon.

Pero ang tagumpay kontra sa European po­werhouse na Latvia sa sarili nitong homecourt at kagagaling lang sa pambihirang 5th-place finish sa 2023 FIBA World Cup dito sa Pilipinas marahil ang pinakamalaking tagumpay ng Gilas sa modernong makasaysayan.

“Certainly. Anytime you can get to the international arena and have success, that’s a huge feather in your cap – not just for me, but also for the players and everyone back home,” ani Cone na lumaki sa Pilipinas, partikular sa Aurora bago maging pinakamatagumpay na head coach sa local basketball.

“Our country is so passionate about basketball, and everyone pretty much knows that now because of the last World Cup. So for us to have success on the international stage really means a lot to what’s going on back home. This is what we’ve always wanted,” he continued.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with