^

Metro

Titser kinatay ni mister sa faculty room

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Titser kinatay ni mister sa faculty room
Ang public school teacher na si Rose Dizon­ na 37 beses na sinaksak sa iba’t ibang ­bahagi ng katawan ng kanyang mister dahil sa ­matinding selos.
CTTO

37 saksak ng biktima

MANILA, Philippines — Umaabot sa 37 saksak sa iba’t ibang bahagi mg katawan ang tinamo ng isang public school teacher matapos na pagsasaksakin ng kanyang mister sa loob ng facul­ty room ng eskwelahan kamakalawa ng umaga sa Las Piñas City.

Dead-on-arrival sa Alabang Medical Center si Rose Moralla Dizon, 51, residente ng CAA, BF International, Las Piñas City at guro Lydia Aguilar National High School habang agad ding naaresto ang mister nito na si Dennis Dizon, 38, na isang public coordinator.

Ayon kay Las Piñas City Police Station chief, PCol. Sandro Jay Tafalla, nangyari ang krimen bandang alas-8:45 ng umaga nitong  Lunes sa faculty room ng nasabing paaralan na matatagpuan sa Camia St., TS Cruz Subd, Brgy. Almanza Dos, Las Piñas City.

Sa imbestigasyon, sinamantala umano ng suspek ang pagiging busy ng duty guard at nagtuluy-tuloy sa facul­ty room kung saan inabutan ang guro at inundayan ng saksak.

Nasaksihan ang pangyayari ng mga kasamahang guro na nagsugod sa biktima sa nabanggit na ospital.

Lumilitaw na selos ang posibleng motibo sa krimen.

Nabatid na hiwalay na ang biktima at suspek.

May impormasyon na ang suspek ay umamin na nakagamit siya ng iligal na droga o marijuana.

Inihahanda na ang isasampang reklamong parricide laban sa suspek.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with