^

PSN Palaro

WNBA champ Ionescu ramdam ang Pinoy fans

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mainit ang naging pagtanggap ng Pinoy fans kay WNBA champion Sabrina Ionescu na nasa Maynila para sa ilang serye ng skills camp kasama ang mga bagitong basketball players.

Hindi makapaniwala si Ionescu na ganito na malaki ang fan base ng basketball sa Pilipinas sa muli nitong pagtungtong sa Maynila.

“To be able to see how much has changed from then and being, you know, back here in Manila is really exciting,” ani Ionescu.

Kaya naman hindi nito maitago ang kanyang saya sa pagkakataong makasa­lamuha ang Pinoy fans na umiidolo sa kanya.

Nakasama ni Ionescu sa ilang programa sina Gilas Youth head coach LA Tenorio, Women’s National Team mainstay at collegiate champion Camille Clarin at collegiate women’s basketball head coach Cholo Villanueva.

Ibinahagi ni Ionescu ang mga kaalaman nito sa basketball na malaki ang maitutulong sa mga players at coaches dito sa Pilipinas.

WNBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->